Every summer na lang, summer job ang unang gusto kong birahan pero palaging bawal dahil ayaw ni Mommy at sumusunod lang si Daddy sa desisyon na yun. Hanggang isang araw, paggising ko, may natanggap akong text mula sa nanay ko (siguro around 4 am niya tinext pero 6am ko na nabasa) saying “Kung gusto mo work this is your chance now”. Inaantok antok pa ako nung nabasa ko yun pero biglang nawala sabay labas sa kwarto papunta sa mom ko para i-confirm at ayun na nga sabay ligo. Parang hindi lang ako makapaniwala. Unti-unti na nilang niluluwagan ang hawak sa akin. Nakakatuwa lang na pinagkatiwalaan na nila ako sa ganung bagay, at last!
So ngayon, 2nd day ko na. Hindi ko alam magkano ang sahod ko, basta pumapasok na lang ako. Siya nga pala, sa office din ako ng Mom ko nagwowork - sa isang Lumber & Construction Supply sa Makati.
Masaya lang din ako dahil nakakasama ko ang Mom ko sa pagpasok, sa lunch time at sa pag-uwi. :’)









